San Mig sa Game 1

MANILA, Philippines - Nagsalpak si Mark Barroca ng isang jumper sa huling 11.6 segundo para ilusot ang San Mig Coffee kontra sa Barangay Ginebra, 85-83, sa Game One ng kanilang semifinals showdown para sa 2013-2014 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tumapos si Barroca na may 5 points, 8 rebounds, 4 assists at 2 steals para sa 1-0 abante ng Mixers sa kanilang best-of-seven semifinals duel ng Gin Kings.

Nauna nang kinuha ng Ginebra ang 60-51 abante sa 4:33 ng third period bago nagpakawala ang San Mig Coffee ng isang 16-7 atake para kunin ang unahan, 73-72, sa 5:50 ng fourth quarter.

Samantala, ang Game Two ng semis series ng Rain or Shine at Petron ay gagawin ngayong ika-8 ng gabi sa Mall of Asia Arena rin.

Bilang isang beteranong coach na may apat na PBA titles, alam ni Rain or Shine coach Joseller ‘Yeng’ Guiao na ang isang panalo sa pagbubukas ng mahabang serye ay hindi garantiya na sila ang magtatagumpay sa serye.

“It’s just game one, we still need three more,” ani Guiao matapos kunin ang 1-0 kalamangan sa best-of-seven semifinals series laban sa Petron Blaze Boosters noong Lunes.

Show comments