2 stakes race nakahanay sa buwan ng Pebrero

MANILA, Philippines - Dalawang stakes race ang nakahanay sa buwan ng Pebrero para pasiglahin ang karera ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Ang tampok na paglalabanan ay ang 3YO Local Fillies and Colts na nakaka-lendaryo sa Pebrero 15 at 16 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ikalawang leg ito at itinakda ng nagtataguyod ng karera na Philracom ang petsang Pebrero 4 para sa nominasyon ng mga kasali at ang Pebrero 10 para sa final declaration ng mga tatakbo.

Ang 1st leg ng karera ay ginawa noong Enero 18 at 19 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite at ang mga kuminang ay ang mga kabayong Bahay Toro sa fillies at Low Profile sa colts.

Ginawa ang unang leg sa 1,500-me-trong distansya pero ang second leg ay paglalabanan sa mas mahabang isang milya (1,600m) upang matiyak na mas magkakasubukan ang mga magpapatala sa karera.

Tiyak din ang pagbabalik ng dala-wang  kabayo na nanalo sa 1st leg lalo pa’t ang pakarerang ito ay ginagamit ng mga 3-year old horses bilang preparasyon para sa premyadong karera para sa kanilang hanay na 2014 Triple Crown Championships.

May P500,000.00 din ang isinahog sa bawat karera at ang mananalo ay mag-uuwi ng P300,000.00 unang gantimpala.

Sa Marso ay may apat na stakes races ang magaganap at tampok dito ang Philracom Commissioner’s Cup sa Santa Ana Park sa Marso 20.

Ang karerang ito ay paglalabanan sa 1,800-metrong distansya at magi-ging unang milyong pisong stakes race ng taon ng Philracom dahil P1.2 milyon ang kabuuang premyo rito at ang mananalo ay tatanggap ng P720,000.00.

Bukas ito para sa mga kabayong edad tatlong taon pataas kaya’t mas masusukat ang mga ipalalagay na Triple Crown contenders sa taong ito.

Paglalabanan din sa buwang ito ang 2nd leg ng Phiracom Imported/Local Challenge race na gagawin sa Marso 2 sa San Lazaro bukod pa sa 3rd leg ng 3YO Local Fillies at Colts sa Marso 15 at 16 sa MetroTurf sa Malvar, Batangas.

 

Show comments