Oden kumpiyansa sa kanyang pagbabalik

MIAMI – Inamin ni Greg Oden na ikinunsidera na niyang magretiro bago niya ipagdiwang ang kanyang ika-25 kaarawan.

Nag-isip rin siya kung makakapaglaro pa siya ng bas­ketball dahil sa problema sa kanyang mga tuhod.

Ngunit noong Huwebes ay muling nakatikim ng pa­nalo si Oden nang manaig ang Miami Heat kontra sa Los Angeles Lakers.

Ito ang kanyang ikaapat na laro ngayong season ma­tapos ang isang four-year layoff.

“It was a long four years,” wika ni Oden. “But now I’m back, I’m healthy and I’m just happy to be doing it.”

Si Oden ay hinirang ng  Portland Trail Blazers bilang No. 1 pick noong 2007 kasunod si Kevin Durant.

Si Durant ay naging isang MVP candidate at five-time All-Star, habang nakita lamang si Oden sa 82 laro.

Hindi nakapaglaro si Oden sa kanyang roo­kie season matapos suma­ilalim sa microfracture sur­gery sa kanang tuhod.

Naupo rin siya sa 15 laro sa sumunod na season bunga ng isang bone chip sa kanyang kaliwang tuhod.

Ngayon ay handa na mu­li si Oden sa NBA.

 

Show comments