NEW YORK -- Nang ihagis ni Carmelo Anthony ang kanyang tira mula sa halfcourt at ito ay pumasok, alam na niya kung maganda ang mangyayari.
“When I made the shot at the half, I told myself the zone was there,†sabi ni Anthony.
Nalampasan niya si Kevin Durant kasunod si Bernard King at ang huli ay si Kobe Bryant.
Umiskor si Anthony ng career-high na 62 points para basagin ang franchise at kasalukuyang record sa Madison Square Garden at tinalo ng New York Knicks ang Charlotte Bobcats, 125-96.
Ang panalo ang pumigil sa isang five-game losing slump ng Knicks.
Naglista si Anthony ng 23-of-35 shots, ang isa rito ay mula sa center court para maisalpak bago ang halftime buzzer, at humakot ng 13 rebounds sa highest-scoring performance ngayong season.
Nagtala si Anthony ng 56 points matapos ang tatlong quarters na dumaig sa 54 markers ni Durant sa nakaraang season.
Sinira rin ni Anthony ang Knicks record ni Kings na 60 points noong 1984 pati na ang arena record na 61 markers ni Bryant noong 2009.
“I made history tonight, with the performance, but just to be a part of that group of people, like I said, there’s only a small group of people that knows what that zone feels like and tonight I was one of them,†wika ni Anthony.
Sa Boston, nagsagawa ng isang 17-2 atake ang Oklahoma City Thunder sa third quarter para talunin ang Celtics, 101-83.
Ngawa ito ng Thunder sa kabila ng pamamahinga nina Kevin Durant at Russell Westbrook.