Wesley bigo; nahulog sa No. 6

MANILA, Philippines - Nakalasap si Filipino Grandmaster Wesley So ng isang 21-move loss kay Cuban Leinier Dominguez Pe­rez sa kanilang Petroff duel sa 2014 Tata Steel Masters sa Wijk aan Zee, the Netherlands.

Dahil dito, nahulog ang 20-anyos na si So sa sixth spot katabla sina Indian Pentala Harikrishna at Dutch Loek Van Wely sa magkakatulad nilang 4.0 points.

Ang susunod na tatlong laban ng Webster Universi­ty standout ay kontra kina Van Wely, Harikrishna at No. 3 Fabiano Caruana ng Italy.

Lumambot ang kingside defense na siyang sina­man­tala ng sixth-seeded na si Perez para sa pag-atake ni­to.

Ito ang ikalawang kabiguan ng Universiade gold me­­dalist na si So sa naturang torneo.

Show comments