Patuloy na bumabagsak ang Miami Heat sa NBA Power Ranking

MANILA, Philippines - Patuloy na bumabagsak ang defending champion Miami Heat kasabay naman ng pag-angat ng Indiana Pacers sa NBA Power Ranking ng Yahoo Sports.

1. Indiana Pacers (32-7; ranking noong nakaraaang linggo: No. 3) Ipinanalo ng Pacers ang apat na sunod na laro at walo sa huling 10-laban. Sisimulan ng Indiana ang five-game Western Conference road trip sa Golden State nitong Lunes.

2. Portland Trail Blazers (31-9; ranking noong nakaraaang linggo: No. 6) Matapos ang limang sunod na panalo, haharap ang Blazers sa back-to-back road games kontra sa Houston at Oklahoma City.

3. San Antonio Spurs (32-9; ranking noong nakaraaang linggo: No. 1): Hindi nakalaro si Tony Parker sa laban noong Linggo kontra sa Milwaukee dahil sa pasa sa binti. Ito rin ang dahilan kaya hindi siya nakalaro ng dalawang games sa kaagahan ng season.

4. Oklahoma City Thunder (31-10; ranking noong nakaraaang linggo: No.  4): Sa pagtatapos ng botohan sa All-Stars nitong Lunes, sigurado na si Kevin Durant na magiging starter ng West frontcourt habang sina Dwight Howard, Blake Griffin at Kevin Love ay mahigpit ang labanan sa dalawang natitirang  posisyon.

5. Los Angeles Clippers (28-14; ranking noong nakaraaang linggo: No. 7): Nag-a-average si point guard Darren Collison, may player option para sa susunod na season, ng 15 points at 6.1 assists bilang starter ngayong season.

6. Golden State Warriors (26-16; ranking noong nakaraaang linggo: No. 3): Ang bagong Warriors combo guard Jordan Crawford ay nag-a-average ng nine points at 1.5 assists sa 14.2 minutes per game sa dalawang laban.

7. Miami Heat (29-11; ranking noong nakaraaang linggo: No.  5): Limitado lang ang oras ni center Greg Oden at nag-a-average ng 3.5 points at isang rebound sa 2-laro. Hindi siya lumaro noong Biyernes sa Philadelphia.

8. Houston Rockets (27-15; ranking noong nakaraaang linggo: No. 8): Nag-a-average si Terrence Jones ng 25.6 points at 10.6 rebounds sa huling 3-laro, kabilang ang  36 points kontra sa Milwaukee noong Sabado.

9. Memphis Grizzlies (20-19; ranking noong nakaraaang linggo: No.  15): Ang Grizzlies ay nanalo ng limang sunod na laro at pito sa huling 10 games sa pagbabalik ni center Marc Gasol.

10. Dallas Mavericks (24-18; ranking noong nakaraaang linggo:  No. 10): Nagtala si Ex-North Carolina guard P.J. Hairston ng 22 points at 6-steals sa kanyang debut sa D-League affiliate team ng Mavericks na Texas Le-gends noong Sabado.

Show comments