Wesley nakisosyo sa 2nd place

MANILA, Philippines - Tinalo ni Filipino Grandmaster Wesley So si dating world challenger Bo­ris Gelfand ng Israel pa­ra makatabla sa second place sa ilalim ni top seed at World No. 2 na si Levon Aro­nian ng Armenia sa Tata Steel Masters sa Wijk aan Zee, the Nether­lands.

Kinontra ni So ang gi­namit na Sicilian Defense ni Gelfand patungo sa kan­yang panalo.

Pinagbitiw ng 20-an­yos na si So ang dating Be­larus top board player sa 29th move.

Itinaas ni So ang kanyang 3.5 points at kalaha­ting puntos lamang ang ag­wat kay Aronian, nag­ta­la ng isang 57-move win kontra kay German Arkadij Naiditsch sa kanilang Ruy Lopez show­down.

Nagmula si So sa perpektong six-of-six perfor­mance para igiya ang Webster University sa Pan American Games title no­ong Disyembre.

Tumabla si So sa ikalawang puwesto kay Dutch Anish Giri, binigo si Indian Pentala Harikrishna sa 71 moves ng kanilang Guioco Pinao due.

Nakatakdang mag­ha­rap kahapon sina So at Aro­nian sa sixth round.

Huling nagharap sina So, pang-28 sa buong mun­do mula sa kanyang 2719 ra­ting, at Aronian no­ong 2012 World Chess Olympiad kung saan nagtapos sa 51-move draw ang kanilang laban.

 

Show comments