No. 2 berth kinuha ng Rain or Shine: Petron nakuntento naman sa No. 3

MANILA, Philippines - Kagaya ng sinabi ni head coach Yeng Guiao, ayaw na niyang maging kom­plikado ang pag-angkin ng Rain or Shine sa   No. 2 ticket sa quarterfinal round.

Mula sa dikitang laro sa third period ay kuma­wala ang Elasto Pain­ters sa fourth quarter para ta­­lunin ang sibak nang Air21 Express, 104-94, at sikwatin ang No. 2 spot sa quarterfinals ng 2013-2014 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Co­liseum.

Umiskor ang mga roo­kies na sina Raymond Al­mazan, Alex Nuyles at Je­ric Teng ng tig-13 points para sa franchise record na pitong sunod na arangkada ng Rain or Shine.

Katulad ng No. 1 team na Ginebra Gin Kings, ha­hawak rin ang Elasto Pain­ters ng ‘twice-to-beat’ ad­vantage bilang No. 2 squad laban sa No. 8 at No. 7, ayon sa pagkakasunod, sa quarterfinals.

“We prepared serious­ly for this game. We knew it would be crucial for us to get the twice-to-beat ad­vantage,” sabi ni Guiao. “Everybody made a con­tri­bution for us.”

Matapos makalapit ang Air21 sa 74-77 agwat sa dulo ng third quarter ay lumayo ang Rain or Shine sa pag­ta­tayo ng isang 16-point lead, 98-82, sa hu­ling 5:01 minuto ng fourth quar­ter.

Nagdagdag sina Ryan Araña at Larry Rodriguez ng tig-10 markers para sa Elasto Painters.

Binanderahan naman ni­na Joseph Yeo at Niño  ‘KG’ Canaleta ang Express mula sa kanilang tig-19 points kasunod ang  17 ni Vic Manuel.

Nagdagdag si Asi Taulava ng 16 markers, habang may 13 si Ren-Ren Ri­tualo, Jr.

Sa unang laro, itinala ni 6-foot-10 June Mar Fa­jardo ang kanyang pang-10 double-double nang hu­makot ng 19 points at 15 rebounds sa paggiya sa Petron Blaze sa 96-87 pa­nalo laban sa Meralco.

“It’s a good way to bounce back after a loss, co­ming into the quarterfi­nals, we want to have some sort of momentum,” ani coach Gee Abanil­la.

Dahil sa kabiguan, ipag­darasal ng Bolts na ma­nalo ang Barako Bull Energy kontra sa Alaska Aces ngayong alas-3 ng hapon sa Big Dome para makamit ang No. 8 slot.

 Sa ikalawang laro sa alas-5:15 ay magtatagpo naman ang Gin Kings at ang three-time defending champions na Talk ‘N Text Tropang Texters.

PETRON 96 - Fajardo 19, Ross 18, Santos 17, Ca­bagnot 14, Lutz 12, Kramer 6, Duncil 4, Tubid 2, Taha 2, Lanete 2.

 Meralco 87 - David 18, Ildefonso 17, Dillinger 16, Wil­son 13, Hodge 13, Alla­do 5, Hugnatan 3, Artadi 2, Timberlake 0, Salvacion 0, Al Hussaini 0.

 Quarterscores: 15-15; 44-33; 70-56; 96-87.

RAIN OR SHINE 104 - Almazan 13, Nuyles 13, Teng 13, Araña 10, Rodriguez 10, Belga 7, Cruz 7, Chan 7, Lee 7, Norwood 7, Tiu 5, Tang 2, Ibañes 2, Quiñahan 1.

Air21 94 - Yeo 19, Cana­leta 19, Manuel 17, Taulava 16, Ritualo 13, Custodio 6, Cardona 4, Borboran 0, Jaime 0, Matias 0, Espiritu 0, Sharma 0, Camson 0.

Quarterscores: 28-17; 54-41; 81-74; 104-94.

 

Show comments