YounG sinuspindi; Len, Morris pinagmulta

NEW YORK – Sinuspindi si Los Angeles Lakers guard Nick Young ng isang laro na without pay dahil sa nangyaring panununtok nito kay Goran Dragic ng Phoenix.



Pinagmulta naman si Suns center Alex Len, na-eject matapos tumanggap ng Flagrant 2 foul kontra kay Young, ng $15,000 at ang kanyang  teammate na si Marcus Morris ay pagmumultahin din ng $25,000 dahil nakisali ito sa gulo.



Hindi makakalaro si Young, napatalsik sa laro, 7:33 minuto na lang ang natitira sa second quarter ng 121-114 panalo ng Suns, sa laro ng Lakers sa Boston nitong Biyernes.

Show comments