Rondo nag-workout na sa kanilang d-League Team

BOSTON – Malapit nang bumalik si Rajon Rondo sa court, isang taon matapos magka-injury sa kanang tuhod dahil nag-test workout na ito sa practice faci-lity at sinamahan niya ang kanyang mga Celtics teammates sa warmups nitong Miyerkules ng gabi sa laban kontra sa Toronto Raptors.

Kasabay nito, inihayag ng Celtics na ipinamigay nila si guard Jordan Crawford  na isang indikasyon na talagang magbabalik na si Rondo.

Nasa court si Rondo sa TD Garden at nag-shooting ng ilang oras bago magsimula ang laro.

Sumali si Rondo sa team para sa warmups bago ang tipoff na naka-warmup uniform ngunit umupo rin ito sa bench bago nagsimula ang laban.

Show comments