Road Warriors isinulong ni Alas

MANILA, Philippines - Binalikat  ni Kevin Alas ang paghahabol ng NLEX bago ipinaubaya sa mga kasamahan ang paglayo tungo sa 103-86 panalo sa Blackwater Sports sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Tumapos si Alas bitbit ang 23 puntos at karamihan dito ay ginawa matapos itala ng Elite ang pinakamala-king kalamangan sa laro na 18, 45-63, sa ikatlong yugto.

Lumapit ang Road Warriors sa lima sa pagtatapos ng ikatlong yugto, 67-72, bago binuksan ang huling quarter ng 12-2 bomba para hawakan na ang kalamangan.

Tinapos ng tropa ni coach Boyet Fernandez ang laro tangan ang 36-puntos upang kunin ang ika-walong panalo sa siyam na laro at bawian din ng Elite na dumiskaril sa pinuntiryang ikalimang sunod na titulo sa Foundation’s Cup.

“The beat us with zone and press in the last finals and that’s exactly how we beat them,” wika ni Fernandez na kinuha rin ang ikalimang sunod na panalo.

Nasayang ang 22 puntos ni Allan Mangahas dahil bumaba ang Elite sa 6-4 karta.

Sinandalan  naman ng Jumbo Plastic ang kanilang mga higante para pasiklabin ang ma-tinding run sa fourth period tungo sa 82-70 panalo sa Cebuana Lhuillier habang nanalo sa isang no-bearing game ang Boracay Rum sa Wang’s Basketball, 90-68.

Pitong puntos ang pinagsaluhan nina Jason Ballesteros at Marion Magat nang pakawalan ng Giants ang 12-0 bomba upang ang 64-66 iskor ay naging 76-66 kalamangan mahigit isang minuto na lamang ang nalalabi sa laro.

Ito na ang huling laro ng tropa ni coach Stevenson Tiu sa elimination round at winakasan nila ang laban bitbit ang 10-3 baraha.

 

Show comments