Cagers, boxers at taekwondo jins mangunguna sa PSA major awardees
MANILA, Philippines - Tatlo mula sa basketball, taekwondo at boxing ang mangunguna sa ma-laking grupo ng mga atletang gagawaran ng major ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa Awards Night sa Jan. 25 na gaganapin sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Sina Philippine Basketball Association (PBA) reigning Most Valuable Player (MVP) Arwind Santos, World Boxing Organization (WBO) light-flyweight champion Donnie ‘Ahas’ Nietes at ang men and women’s poomsae teams na nanalo ng gold medals sa world championships sa Bali, Indonesia ang bumubuo ng 17 major awardees na paparangalan sa PSA Annual Awards Night na handog ng Milo, katulong ang Air21 bilang major sponsor.
Sina Terrence Romeo at Raymond Almazan ang dalawa pang major awardee mula sa basketball na naging MVP sa UAAP at NCAA leagues, ayon sa pagkakasunod.
Sasamahan naman nina Merlito Sabillo at John Riel Casimero si Nie-tes bilang major awardees sa boxing matapos idepensa ang kanilang WBO at International Boxing Federation (IBF) titles ayon sa pagkakasunod noong nakaraang taon, habang si Pauline Louise Lopez ay makakatanggap din ng major award kasama sina Jean Pierre Sabido, Ernesto Guzman Jr. at Glenn Lava ng men’s poomsae team at sina Mikeala Calamba, Rinna Babanto at Jocel Ley Ninobla para sa taekwondo.
Ang mga golfers na sina Princess Mary Supe-ral at Clare Amelia ‘Mia’ Legaspi, Grandmaster Wesley So, BMX rider Daniel Caluag, wushu bet Benjamin `Benjie’ Rivera, trackster Archand Christian Bagsit, champion jockey Jesse Guce, at racer Eduardo Jose ‘Jody’ Coseteng ang kukumpleto ng listahan ng major awardees.
Pangungunahan ng Gilas Pilipinas bilang Athlete of the Year ang 124 personalities at entities na paparangalan ng pinakamatandang media organization sa bansa sa gabi ng parangal na suportado rin ng Smart Sports, Senator Chiz Escudero, Accel at 3XVI, Philippine Sports Commission, Philippine Cha-rity Sweepstakes Office, Rain or Shine, Globalport, Philippine Basketball Association, ICTSI-Philippine Golf Tour at Philippine Amusement and Gaming Corp.
Si Manny V. Pa-ngilinan, na kilalang supporter ng Gilas at presidente ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), ang tatanggap ng Executive of the Year award, habang ang President’s Award ay ibibigay kina Rubilen Amit, Dennis Orcollo, Lee Van Corteza at Calamba matapos ang kanilang matagum-pay na kampanya noong nakaraang taon.
Igagawad din ang Lifetime Achievement award, Mr. Football, Miss Volleyball Sixth Man Award, Milo Junior Athlete Awards, Tony Siddayao Award sa gabi ng parangal na maririnig ng live sa DZSR Sports Radio 918.
- Latest