Chandler umaasang makakalaro na

NEW YORK – Hindi nakalaro si New York Knicks center Tyson Chandler sa ikaapat na sunod na game nitong Lunes dahil sa bronchitis at umaasa siyang makakabalik na sa aksiyon nitong Martes sa laban kontra sa Charlotte Bobcats.

Nag-work-out si Chandler bago labanan ng Knicks ang Phoenix Suns, at sinabi niyang hindi siya lumalabas ng kanilang bahay sapul nang siya ay magkasakit sa roadtrip ng Kicks patungong Texas pagkatapos ng Bagong Taon.

Inaasahang lalaro siya ng limitadong oras laban sa Bobcats kung maisasalang na siya.

Show comments