MANILA, Philippines - Umani na naman ng panibagong parangal si National shooting champion Nathaniel ‘Tac’ Padilla nang iluklok siya sa SBC (San Beda College) Sports Hall of Fame.
Ito ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng SBC Alumni Association (SBCAA) sa pakiki-pagtulungan ng San Beda College para papurihan ang isang Bedan alumni na malaki ang naitulong sa Philippine sports.
Sa congratulatory letter sa 49-gulang na sportsman/businessman na si Padilla, sinabi ni SBCAA president Joselito I. Hautea na, “You have been cited 1) for your significant contribution to the development of sports in the Philippine society, and 2) for best epitiomi-zing and exemplifying the Bedan qualities of work and prayer, thus serving as a role model to members of the Bedan community, and society in general.â€
Si Padilla, ang tanging atletang kumatawan sa Philippines ng 17 beses sa Southeast Asian Games, at ang iba pang awardees ay paparangalan sa traditional Red and White Ball na gaganapin sa February 12, alas-6:00 ng gabi sa Meralco multi-purpose hall sa Ortigas, Pasig City.
Ang portrait ni Padilla, general manager ng kanilang family business na Spring Cooking Oil at iba pa niyang sports mementos ay idi-display sa bagong St. Placid Sports Center.
Bukod sa pagiging National pistol titlist ng mahigit 30-taon, pinamamahalaan din ni Padilla ang National Youth Development Program (NYDP) ng shooting association na nakadiskubre ng talented champions na nanguna sa matagumpay na Philippine delegation sa Asian Youth Games sa Nanjing, China.