MANILA, Philippines - Handa na ang Laguna para maging matagumpay ang makasaysayang pagtayo bilang punong-abala ng 2014 Palarong Pambansa sa Mayo.
“This is the first time that the Province of Laguna will be hosting the Palarong Pambansa. It is a great honor and a testament of Laguna’s capability and preparedness to stage the country’s grandest Palaro. The Palarong Pambansa in Laguna will be the benchmark of future Palarong Pambansa,â€deklarasyon ni Governor Jeorge ‘E.R.’ Ejercito Estregan sa Memorandum of Agreement (MOA) signing at press conference na ginawa kahapon sa Bulwagan ng Karunungan sa Department of Education office sa Pasig City.
Si DepEd secretary Bro. Armin Luistro ang siyang lumagda para sa ahensyang nangangasiwa sa Palaro at ang nakitang mainit na suporta ng ibang stakeholders sa anim na Siyudad at 24 munisipalidad ng probinsya ang nagpatunay na tama ang paggawad sa Laguna bilang host sa kompetisyong gagawin mula Mayo 4 hanggang 10.
“Hindi magtatagumpay ang isang hosting dahil lamang sa ganda ng mga pasilidad kungdi dahil sa suporta ng ibang stakeholders. Ito ang pinakamalaking signing ng MOA ng Deped at host at ang suporta ng naririto ang magtitiyak na magiging matagumpay ang kauna-unahang hosting ng Laguna,†wika ni Luistro.
Ang 19-ektarya na Laguna Sports Complex na inayos sa loob ng isang taon sa halagang P1 bilyon, ang siyang main hub at pagdarausan ng 85 porsiyento sa 19 sports disciplines na gagawin sa kompetisyon.
Maglalabas din ang pamahalaang lokal ng P70 milyon para sa aktuwal na palaro para matiyak na magiging masaya at kumportable ang mga bisita na tinataya ni Ejercito Estregan na nasa 15,000 ang bilang.
Ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ay sasamahan nina PBA superstar James Yap at ang magkapatid na sina Jeric at Jeron Teng para pasiglahin ang opening ceremony.
Bukod sa magarang hosting, handa rin ang mga manlalaro ng Laguna na makapanggulat lalo na kung ang tagisan para sa overall ang pag-uusapan.
Ang atleta ng probinsya ay palagian na nasa Top Three pero ipinalalagay na palaban sa overall dahil na rin sa suporta ng mga kalalawigan.