CHICAGO -- Para sa Chicago Bulls, may isang paÂraan lamang para makalimutan ang pagkakalipat kay forward Luol Deng.
Naglista si guard D.J. Augustin ng 20 points at 12 assists at kumolekta si Joakim Noah ng 19 points at 14 rebounds para tulungan ang Bulls sa 103-97 panalo kontra sa Charlotte Bobcats.
Ang Chicago ay may pitong players na umiskor ng double figures para sa kanilang pang-limang sunod na tagumpay.
May 3-0 record ngayon ang Bulls (17-18) matapos dalhin si Deng sa Cleveland Cavaliers para makuha si center Andrew Bynum at ilang draft picks.
Pinakawalan naman ng Chicago si Bynum sa isang salary dump.
“The trade definitely hurt,†sabi ni Noah. “We’ve got to move on, but I feel confident in this team. We’re working really hard.â€
Nagdagdag si Mike Dunleavy ng 17 points para sa Chicago na nakabalik sa porma matapos pakawalan ang isang 15-point lead sa second half.
Kumolekta si Carlos Boozer ng 12 points at 10 rebounds para sa Bulls.
Ito naman ang ikatlong dikit na kamalasan ng BobÂcats (15-23).
Pinamunuan ni Gerald Henderson ang Charlotte mula sa kanyang 30 points kasunod ang 29 ni Kemba Walker.
Sa Portland, kumolekta si LaMarcus Aldridge ng 21 points at 13 rebounds para tulungan ang Portland Trail Blazers sa 112-104 panalo kontra sa Boston CelÂtics.
Ipinalasap ng Blazers ang pang-walong sunod na kaÂmalasan ng Celtics.
Sa Oklahoma City, humakot si Kevin Durant ng 33 points, habang naglista si Serge Ibaka ng 17 points at 17 rebounds sa paggiya sa Thunder sa 101-85 taÂgumpay laban sa Milwaukee Bucks para bumangon muÂla sa isang two-game losing slump.