Adamson batters sweep ang 1st round

MANILA, Philippines - Tumungtong ng base ang unang pitong batters ng Adamson sa unang inning para pakinangin ang 10-0 shutout panalo sa Ateneo at makumpleto ang first round sweep sa 76th UAAP softball kahapon sa Rizal Memorial Diamond.

Ang starting pitcher na si Rizza Bernardo ay humataw ng grandslam at ang Lady Falcons ay umiskor ng 9 runs sa unang inning sa larong natapos sa tuktok ng fourth frame.

Kuminang din si Bernardo sa pagpukol matapos magtala ng no hitter at may isang strikeout sa tatlong innings.

Ito ang ikaanim na dikit na panalo ng koponan at umabot na din sa 40-0 ang pagpapanalo na nasimulan noon pang 2010.

Tinabunan ng makasaysayang panalo ng Adamson ang 8-7 come-from-behind win ng National University sa UE at ang 9-3 tagumpay ng UST sa UP sa ibang mga laro.

 

Show comments