Pekovic nagbida sa Wolves

PHILADELPHIA -- Hindi naiwasan ni Nikola Pekovic na tumawa sa bench habang iwinawagayway ng mga fans ang higanteng cutouts ng kanyang ulo sa likuran niya.

Tuwang-tuwa din ang kanyang mga Minnesota teammates lalo na at na-ging maganda ang kanilang three-point shooting.

“When you look at the heads, then you hold it up to close to him, they’re actually the same size,’’ sabi ni Kevin Love.

Humugot si Love ng 16 sa kanyang 26 points sa dominanteng third quarter at nagtala si Pekovic ng 16 points at 14 rebounds para bandera-han ang 126-95 paggiba ng Timberwolves sa Philadelphia 76ers.

Nagposte ang Minnesota ng 16-of-26 3-pointers (62 percent) para ta-lunin ang Philadelphia.

Nagdagdag si Kevin Martin ng 18 points at may 15 si Corey Brewer para sa ikaapat na panalo ng Timberwolves sa kanilang huling anim na asignatura.

Kumolekta naman si Thaddeus Young ng 20 points sa panig ng Sixers, napigilan ang four-game winning streak mula sa kanilang 6-game road trip.

Kinuha ng Timberwolves ang isang 16-point lead sa first half at kumonekta si Love ng dalawang tres para sa kanilang 31-point advantage laban sa Sixers.

Ang Timberwolves ay may pito pang players na umiskor ng double figures.

Wala namang naging kasagutan ang Sixers kina Love at Pekovic sa sha-ded lane.

Show comments