MANILA, Philippines - Dumagit ng panalo ang kabayong Fly Like An Eagle sa 4YO Maiden Division, habang kuminang ang Rob The Bouncer sa 3YO Maiden division na nangyari noong Biyernes ng gabi sa San Lazaro LeiÂsure Park sa Carmona, CaÂvite.
Ito ang ikalawang araw ng pista sa Bagong TaÂon na ginawa sa bakuran ng Manila Jockey Club Inc. at ang panalo ng daÂlawang kabayong ito ay nagÂbigay-daan din para maiÂbigay sa kanilang connections ang added prize na P10,000,00 na handog ng Philippine Racing Commission (Philracom).
Si RC Tanagon ang suÂmakay sa Fly Like An Eagle at nakita ang itinaÂtaÂgong bilis ng kabayo maÂtapos ang bandera-tapos na panalo sa 1,300-metro disÂtansyang karera.
Third choice ang naÂnalong kabayo sa Sweet Music, ngunit ang kabaÂyong diniskartehan ni NK CaÂlingasan ay bumuka sa unang kurbada na nakaapekto sa kanilang diskarta.
Ang Sayonara ni CM PiÂlapil at second choice sa bentahan sa hanay ng liÂmang kabayo na naglaban ang siyang kumuha sa ikaÂlawang puwesto para maÂdehado ang mga dibidendo na ipinamahagi.
Nasa P17.50 ang win, habang umabot sa P48.00 ang ibinigay sa 1-4 forecast.
Hinagip ng Rob The Bouncer ang unang panaÂlo bilang isang 3-year old horse nang mahusay na nasilip si CJ Reyes at makipot na daanan sa balya at makumpleto ang pagbangon.
Mainitang nagbabakbakan ang Elusive Ride at Masskara sa unang 100-metro sa 1,300-m kaÂrera nang sumulpot ang Rob The Bouncer at giÂnamit ang balya upang maÂkuha pa ang panalo sa Elusive Ride.
May P10.00 ang panalo ng second choice na Rob The Bouncer, habang P46.50 ang ipinamahagi ng 4-6 forecast.