^

PM Sports

Amit hinirang na atletang kumabig ng pinakamalaking premyo sa SEAG

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi inakala ni Rubi­len Amit na siya ang kikila­lanin bilang Pambansang atleta na may pinakamala­king insentibong naiuwi ma­tapos ang kampanya sa Myanmar SEA Games.

Nanalo si Amit ng ginto sa women’s 10-ball at pilak sa 9-ball upang maiuwi ang P100,000.00 at P50,000.00 insentibo na ibinigay no­ong Biyernes ng gabi sa isi­nagawang Thanksgiving Mass na inorganisa ng PSC at POC sa Philsports Arena sa Pasig City.

“Nagulat nga ako nang nabasa ko sa mga newspapers na Amit biggest winner. Sabi ko talaga dahil alam ko ang ibang athletes da­lawang gold medals ang napanalunan. I’m just really happy sa lahat ng blessings na natanggap ko last year,” wika ni Amit.

Sina Princess Supe­ral ng golf at Archand Chris­tian Bagsit ng athle­tics ang mga natatanging double-gold medalist ng de­legasyon na nakuha sa in­dividual at team events.

Pero dahil may kaha­ti sa team, sina Superal at Bagsit ay nag-uwi ng P133,333.00 at P125,000.00, ayon sa pag­kakasunod.

Hindi nakita ni Amit na mangyayari ito lalo pa’t hin­di maganda ang resulta sa mga torneong sinalihan sa unang mga buwan ng 2013.

Nanalo lamang siya ng bronze medal sa Asian Indoor-Martial Arts Games at nagkaroon din lamang ng bronze medal sa Philippine National Games.

“Trying times ang si­mula ko. Sa PNG, nag-bronze lang din ako kaya si­nabi ko naku kailangang mag-double time. Ayon nakuha din sa dasal at binigyan ng blessing,” ani Amit na nagreyna sa 2013 World Women 10-ball.

ARCHAND CHRIS

ASIAN INDOOR-MARTIAL ARTS GAMES

BAGSIT

NANALO

PASIG CITY

PHILIPPINE NATIONAL GAMES

PHILSPORTS ARENA

SHY

SINA PRINCESS SUPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with