^

PM Sports

Lady Falcons nagtala ng 38 sunod na panalo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Dumiretso sa kanilang ika-38 sunod na panalo ang three-time defending champions na Adamson Uni­versity matapos talu­nin ang National University, 12-2, sa UAAP wo­men’s softball tournament ka­hapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Umiskor ng tig-isang two-run homeruns sina An­na­lie Benjamen at An­­gelie Ursubia para sa do­minasyon ng Lady Falcons sa Lady Bulldogs.

Winalis ng Adamson ang NU, 2-0, sa kanilang best-of-three championship series noong Season 75.

Ito ang ika-38 sunod na arangkada ng San Marcelino-based team sapul no­ong 2010.

Kinuha ng Lady Falcons ang liderato sa bisa ng perpekto nilang 4-0 kar­tada, habang may 3-1 ba­raha ang Lady Bulldogs.

Ang two-run homer ni Benjamen ang naglayo sa Adamson sa 3-0 bago hu­mataw si Ursubia sa su­munod na inning para iba­on ang NU sa 8-0.

Nanaig naman ang UST laban sa La Salle, 11-3, para pantayan ang NU sa ikalawang puwesto (3-1)  at ginulat ng Ateneo ang UP, 5-4.

Ito ang unang panalo ng Lady Eagles para sa 1-4 marka.

 

ADAMSON

ADAMSON UNI

BENJAMEN

LA SALLE

LADY BULLDOGS

LADY EAGLES

LADY FALCONS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with