CLEVELAND – May magandang balita pa rin sa Cavaliers sa pagpasok ng 2014: Nagasgasan lang ang kaliwang tuhod ni Kyrie Irving at walang natamong structural damage matapos masaktan sa laban ng Cleveland kontra sa Indiana nitong Martes.
Ibig sabihin ay hindi mawawala ng matagal si Irving.
Nakita sa MRI ang gasgas ayon sa statement ng team. Sasailalim si Irving sa treatment, ie-evaluate at hindi pa alam kung lalaro ito sa laban ng Cavs kontra sa Orlando nitong Huwebes.
“Scary moment but I’ll be good,†sabi ni Irving sa kanyang Twitter account. “Thanks for everyone’s support and concern.â€
Kinabahan ang buong Cleveland team nang makitang bumagsak si Irving at kinailangang tulungang lumabas ng court sa third quarter ng laban kontra sa Pacers. Ineksamen siya ng mga doctor at bumalik sa huling bahagi ng laro kung saan natalo ang Cavs, 91-76, na kanilang ikaanim na sunod.
Pagkatapos ng laro, sinabi ni Irving na parang may narinig siyang tumunog sa kanyang tuhod at nag-alala na baka grabe ang kanyang injury.
“I thought the worst happened,†sabi ni Irving, nag-average ng 22.6 points per game sa kanyang ikatlong NBA season. “I felt something pop in my knee. When I came back in, my left knee is pretty weak right now. I was falling all over the place. I didn’t have my legs under me. It was a painful experience.â€
Ang dating No. 1 overall pick ay laging injury prone sapul nang pumasok ito sa NBA. Nag-miss si Irving ng 38 games sa kanyang unang dalawang seasons dahil sa iba’t ibang injuries kabilang ang na-baling buto sa ilong, na-fracture na panga, nabaling daliri, napuwersang balikat at tuhod at bukol.