Wesley patuloy ang arangkada

MANILA, Philippines - Ipinagpatuloy ni Filipi­no Grandmaster Wesley So ang kanyang mainit na kam­panya matapos tumaas sa pinakahuling FIDE ran­kings.

Mula sa pagiging No. 30 sa mundo noong Dis­yembre ay umakyat ang 20-anyos na si So sa No. 28 para sa kanyang FIDE ra­tings na No. 2719

Limang bigating torneo ang naipanalo ni So, kabilang na dito ang Universiade sa Kazan, Russia.

Hindi naisama sa FI­DE rankings ang napagta­gumpayan ni So na 2013 Pan American Inter-Colle­giate Championship sa Lub­bock, Texas kungsaan ni­ya iginiya ang Webster Uni­versity sa  title sweep at nahirang na best individual performer.

“His ranking is now 24th in the world,” sabi ni dating women’s world cham­pion Susan Polgar ng Hungary na siyang coach ni So sa Webster University.

Nakatakdang sumabak si So sa 76th Tata Steel Chess Tournament sa E­ne­ro 10-26 sa Wijk aan Zee, The Netherlands.

Makakatapat ni So ang 11 pang super GMs kasama ang walo sa kasaluku­yang Top 20 list.

Si Armenian Grand­mas­ter Levon Aronian ang top seed sa torneo at No. 2 sa FIDE rankings.

Show comments