Baynum sinuspindi ng Cavaliers
CLEVELAND -- Tila tapos na ang eksperimento kay Andrew Bynum para sa Cavaliers.
Pinatawan ng Cavaliers ng indefinite suspension ang enigmatic center nitong Sabado dahil sa kanyang asal na nakakasira sa team at pinagbawalan siyang sumama sa lahat ng aktibidad ng koponan.
Hindi kasama si Bynum, pumirma ng two-year, $24 million contract sa Cavs noong July, sa pagbiyahe ng Cavs patungong Boston para sa kanilang laro nitong Sabado at tila hindi na ito maglalaro para sa Cleveland.
Sinisikap na ng Cavaliers na i-trade si Baynum.
Hindi na supresa ang pagsuspindi kay Baynum dahil hindi siya consistent sa paglalaro at tila walang gana kapag nasa court.
Sa kaagahan ng season, madalas magsalita tungkol sa kanyang retirement at sa kanyang problema sa kalusugan ang 7-footer na si Baynun, hindi lumaro noong nakaraang season sa Philadelphia dahil sa injury sa tuhod
“It’s a terrible situation internally with our team,†sabi ni All-Star guard Kyrie Irving bago ang laban ng Cavs sa Celtics. “It’s something we have to get over.â€
Nang tanungin si Cleveland coach Mike Brown kung may problema sila ni Baynum, sagot niya, “No,†kasabay ng pag-iling nito.
Si Brown ay kilalang sumusuporta palagi kay Bynum. Nagkasama sila sa Los Angeles at ang kanilang relasyon ang dahilan kung bakit sumugal ang Cavs sa pagkuha kay Baynum.
- Latest