MANILA, Philippines - Pasisiglahin ang pista sa Santa Ana Park sa Naic, CaÂvite ngayong gabi sa pagÂlarga ng Ricardo De ZuÂñiga Trophy Race para sa 2-year old maiden horÂses.
Sa 1,200-metro distanÂsyang paglalabanan ang kaÂrerang handog din sa pang-50 taÂon ng paninilbihan ni Zuñiga sa horse racing.
Walong kabayo ang magÂsusukatan sa karera na race three sa siyam na naÂka-programa sa gabi at ang mga ito ay ang Mister YoÂkishoti (RC Landayan), Attila (RR Camañero), Answered Prayer (JB BaÂcayÂcay), Smart Kid (JAA GuÂce), True Steel (NK CaÂlingasan), YYY Delayla (Val Dilema), Wow Pogi (ES De Vera) at Vice Chancellor (JB Cordero).
Masuwerte ang manaÂnalong kabayo dahil maiuuwi ng winning connecÂtions ang P30,000.00 adÂded prize na handog ng PhiÂlippine Racing CommisÂsion (Philracom) at Hubert Leong na naglaan ng P10,000.00 at P20,000.00, ayon sa pagkakasunod.
Ang Answered Prayer ang maaaring isa sa mapaÂboÂran sa karera matapos ang pangatlong puwestong pagÂÂtatapos sa 2YO Maiden Race at sa Philtobo race noÂong Disyembre 3 at 15 sa pagdadala ni Mark Alvarez.
Ikalawang pagdiskarte ni Bacaycay sa nasabing kaÂbayo ay inaasahang naÂkuÂha na niya ang tamang renÂda para higitan ang panlimang puwestong pagtatapos noong Disyembre 21.
Sa hanay ng mga magÂlalaban, ang True Steel ang may pinakamagandang pagÂtatapos sa huling karerang nilahukan ng mga magÂlalaban nang tumapos ang kabayo sa ikatlong puÂwesto sa isang 2YO MaiÂden race noong Disyembre 21.
Isa rin sa kasasabikan ay ang race six na isang class division four race at siÂnalihan ng anim na manaÂnakbo.
Kasama rito ang Purple Ribbon na kapapanalo lamang sa isang special class division race noong DisÂyembre 21.
Pero ibinalik ang kaÂbayo sa pagdiskarte kay Dan Camañero.