MANILA, Philippines - Hindi pa rin nawawala ang Pilipinas bilang isa sa mga matitikas kung sa proÂfesÂsional boxing ang pag-uusapan.
Wala sa talaan ng mga world champions sina ManÂÂny Pacquiao at NoniÂto Donaire, Jr. pero ang PiÂÂlipinas ang siyang No. 1 sa hanay ng mga South East Asian countries at puÂmapangalawa sa Asya kung ang bilang ng mga world champions ang maÂgiÂging labanan.
Napanatili nina Donnie Nietes at John Riel CasiÂmeÂro ang kanilang mga tiÂtulo sa WBO at IBF light flyÂweight divisions, ayon sa pagkakasunod, habang nadagdag si Merlito SabilÂlo nang kunin ang WBO miÂÂnimumweight category para mapantayan pa rin ang tatÂlong world champions na siyang bilang sa pagtatapos ng 2012.
Si Donaire ang isa pang kampeon noong 2012 pero naisuko niya ang hawak na WBO super bantamweight title kay Guillermo Rigondeaux noong Abril 13.
Tinalo ng Pilipinas sa ranÂking ang Thailand sa South East Asia dahil ang naÂsabing bansa na kilala ang bangis kung amateur boÂxing ang pag-uusapan ay may isang world champion lamang sa katauhan ni Srisaket Sor Rungvisai.
Si Rungvisai ay hari naÂman ng WBC sa super flyÂweight diÂvision.
Ang bumabanderang banÂÂÂsa sa paramihan ng mga world boxing champions sa Asya ay ang Japan na may walo.
Ang US ang nangunguna sa 11 world champions, habang ang Mexico ay may pitong world champions at ang Russia ay may apat.
Kasama ang Pilipinas sa ikalima hanggang ika-siÂyam na puwesto tangan ang tatlong world champions ng Argentina, Cuba, GerÂmany at United Kingdom.
Sa pagpasok ng taong 2014 ay malaki ang pag-asa ng Pilipinas na maÂdagdaÂgan ang bilang na ito laÂlo pa’t mainit ang pagbabalik sa boxing ring nina 8-division world champion Pacquiao at Donaire.