NSA of the Year Award sa PSA Annual

MANILA, Philippines - Ang mga asosasyon ng basketball, athletics, bo­xing at wushu ang mga na­ngungunang kandidato pa­ra sa National Sports Association (NSA) of the Year award na ibibigay ng Phi­lip­pine Sportswriters Asso­ciation (PSA) sa Annual Awards Night sa Enero 25, 2014.

Ang Samahang Basket­bol ng Pilipinas (SBP) na pi­namumunuan ni telco ty­coon at sports patron Ma­nuel V. Pangilinan ang bu­mabandera sa listahan ma­tapos ang matagumpay na kam­panya ng Gilas Pilipinas at Junior Gilas Pilipinas na nagbigay sa kanila ng ti­ket para sa FIBA-World Cup sa susunod na taon.

Naging pinakaprodukti­bo namang NSA ang Phi­lip­pine Amateur Track and Field Association (PATAFA) sa katatapos na 27th South­east Asian Games sa Myan­mar matapos mag-uwi ng 6 gold medals, ka­sama dito ang dalawa ni double winner Archand Chri­stian Bagsit.

Impresibo din ang ipi­nakita ng Alliance of Bo­xing Associations of the Phi­lippines (ABAP) sa ila­lim ng presidente nitong si Ricky Vargas nang kumub­ra ng tatlong gold medals sa 2013 SEA Games.

Show comments