Anthony optimistikong makakalaro

NEW YORK -- Ang is­yu kay Knicks star Carme­lo Anthony ay magiging isang game-time decision pa­ra sa kanilang Christmas matchup ng Oklahoma Ci­ty Thunder.

Nagkaroon si Anthony ng sprained left ankle inju­ry sa 103-98 panalo ng New York kontra sa Orlan­do Ma­gic noong Lunes.

Hindi rin makikita para sa pagharap ng Knicks sa Thunder si starting guard Ray­­mond Felton dahil sa isang strained right groin in­jury.

Nanggaling si Felton sa isang six-game absence bu­nga ng strained left hamstring injury.

Umiskor si Anthony ng 19 points bago lisanin ang laro sa 7:26 minuto sa third quarter laban sa Ma­gic.

Sa kanyang pagka­wala, nakabangon ang Or­lando mula sa 25-point de­ficit para makalapit sa isang puntos na agwat.

Ngunit nagawa ng New York na manatili sa la­ro patungo sa kanilang pa­nalo.

Sa locker room ay si­nabi ni Anthony na opti­mi­stiko siyang hindi ma­lub­ha ang kanyang sprain.

“I am walking,’’ wika ni Anthony. “I think I caught it before it rolled all the way but it rolled pretty bad. So we will eva­luate everything. The good thing is I am able to walk with a little bit of pain. We will figure it out to­morrow. The pain was just too much. I was actua­l­ly trying to walk it off to see if I could come back into the game.”

Show comments