MANILA, Philippines - Isang bronze medal lamang ang kayang iambag ng sepak takraw team upang mabigo ang Pilipinas na maabot ang 30 ginto sa pagsasara ng tabing sa 27th SEA Games sa Nay Pyi Taw, Myanmar kahapon.
Sina Emmanuel Escote, Jason Hurte at Rhey Jhey Ortouste ay nabigo sa Laos, 1-2 sa men’s doubles semifinals na siyang huling laro na pinaglabanan.
Sa kabuuan, ang Pilipinas na nagpadala ng 210 atleta at sumali lamang sa 167 events sa 460 na pinaglabanan ay nakontento sa 29 ginto, 34 pilak at 38 bronze me-dals tungo sa paglasap ng pinakamasamang pagtatapos sa kasaysayan ng pagsali sa SEAG na ika-pitong puwesto.
Ang Singapore ang siyang kumuha sa pang-anim na puwesto sa 34 ginto, 29 pilak at 45 bronze medals at tila sen-yales ito na mas magi-ging mabagsik ang mga atleta nila kapag idinaos ang 2015 SEA Games sa kanilang lugar.
Ang Thailand ang hinirang na overall champion bitbit ang 107 ginto, 94 pilak at 81 bronze me-dal upang mahubad agad ang koronang hinawakan ng Indonesia noong 2011 sa Palembang. Tumapos lamang ang dating kampeon sa pang-apat na puwesto sa 65-84-111 medal tally.
Ang host Myanmar na nagpasok ng mga events na pabor sa kanila ay may 43-38-77 marka.
Ang dating pinakamasamang puwesto ng Pinas sa overall ay sa ikaa-nim na puwesto na nangyari noong 2007 sa Thailand at 2011 sa Indonesia.
Umabot sa 27 National Sports Associations ang inilaban sa kompetisyon at sa bilang na ito ay 13 NSAs ang nag-uwi ng gold.