MANILA, Philippines - Nangyari na ang kinaÂtaÂtakutang paglapag sa piÂnakamasamang ika-piÂtong puwesto ang Pilipinas sa 27th SEA Games nang tatlong ginto lamang ang napanalunan isang araw bago magwakas ang komÂpetisyon sa Nay Pyi Taw sa Myanmar.
Sina Kirstie Elaine AloÂra at Kristopher RoÂbert Uy ay naghatid ng dalawang ginto sa taekÂwondo para higitan ang tinapos noong 2011 sa Indonesia, habang si Precious Ocaya ang sinandalan upang hindi mabokya ang bansa sa muay.
Pero isang pilak lamang ang naihatid ng ASEAN chess team na biÂÂnubuo nina GMs John Paul Gomez, Darwin LayÂlo, Eugene Torre at RoÂgelio Antonio Jr., habang si judoka Angele Gabriel Gumila ay may bronze medal sa men’s -90kg. class para mabigong maÂabot ang pang-anim na puÂwesto sa kompetisyon.
Tanging ang sepak takÂraw lamang ang pagÂlalabanan sa pagsasara ng tabing ngayon at kahit palarin pa ang mga naÂsa semifinals na sina EmÂmanuel Escote, Jason Hurte at Rhey Jhey OrÂtouste na makuha ang ginÂto ay hindi na rin aabot ang Pilipinas sa Singapore na nasa ika-anim na puÂwesÂto.
May 29 ginto, 33 pilak at 37 bronze medals ang nakuha ng 210-bilang ng pambansang atleta at kapos sila ng limang ginto para mapatalsik ang Singapore na mayroong 34 ginto, 29 pilak at 44 bronze medals.
Hanggang sa huli ay ginamitan pa rin ng hometown decision ng host country ang panlaban ng Pilipinas nang si Philip Delarmino ay natalo sa pamÂbato nilang si Saw Dar Pot sa men’s minus 54 kgs. kahit apat na beses itong tumumba sa tatlong round na bakbakan.
Hindi naman lahat ay uuwi ng malungkot at isa na sa masaya ay ang taekwondo delegation na tumapos bitbit ang apat na ginto, apat na pilak at pitong tansong medalya na mas mataas sa 4-3-5 na naitala noong 2011 edition.
Napanatili pa ni Alora ang titulo sa women’s heaÂvyÂweight nang talunin si London Olympian ng Cambodia na si Sorn Davin sa dikitang 6-4 iskor.
Ang head kick ni AloÂra sa second round ang nagbigay ng 5-3 kalamaÂngan bagay na kanyang naÂprotektahan para sa paÂnalo.
Hindi naman nagpahuli ang baguhang si Uy, isang gold medalist ng La Salle sa UAAP taekwondo na isinantabi ang 2-6 iskor tungo sa 7-6 panalo laban kay Quang Duc Dinh ng Vietnam.
Sa apat na ginto ng mga jins, sila ang ikalawang may pinakamagandang ipiÂnakita sa mga NSAs sa kompetisyon.
Ang delegasyon ng athletics ang siyang No. 1 ngayong taon.
Ito ay matapos maghatid ng kabuuang anim na ginto bukod sa apat na pilak at tatlong bronze meÂdals ang koponan sa naÂturang biennial event.