Raymundo nag-iisip nang magretiro

MANILA, Philippines - Nag-iisip na si Kerby Raymundo, isa sa mga big men na bumandera sa Phi-lippine pro basketball, na magretiro sa batang edad na 32-anyos dahil sa patuloy na pananakit ng kanyang tuhod.

Sa pagkakaroon niya ng knee injury ay wala ding hawak na playing contract ang 6-foot-6 center/forward mula sa Orion, Bataan sa Meralco.

Nagtapos ang kanyang kontrata noong Oktubre 31 at wala siyang natatanggap na formal offer mula sa Bolts kaya si Raymundo ay naging isang unrestricted free agent simula noong Disyembre 1.

“He’s in some kind of situation. That’s why he’s saying he’s giving himself up to Jan. 15 to decide whether to retire or still go on playing,” sabi ni Danny Espiritu, ang agent/adviser ng dating Letran Knight. “If he decides to continue to play, it means coughing up P4.5 million.”

 

Show comments