NAY PYI TAW--Sinermonan ni men’s basketball coach Jong Uichi-co ang Sinag Pilipinas players para magseryoso sa kompetis-yon matapos ang laban kontra sa Singapore na nagpainit sa kanyang ulo dahil muntik na silang maisahan bunga ng sobrang kumpiyansa.
“It seems they took those words that we cannot take anyone in this tournament for granted and we should always play the same way no matter who the opponent, to heart,†wika ni Uichico.
Sa pamamagitan ng 88-75 iskor, tinalo ng koponan ang Singapore pero matapos ang larong ito ay hindi na nagpapetiks-petiks pa sa limang sumunod na bansang hinarap na kanilang dinomina.
Ang winning margin ng pambansang koponan ay nasa 38.2 puntos at hindi naman nagtaka si Uichico sa bangis na ipinakita ng dalang koponan.
“Mahihirapan talaga ang kalaban sa amin sa deep bench at ito talaga ang advantage namin,†pahayag pa ni Uichico.
“Puwede rin kaming mag-sub ng five-for-five. Tuloy, hindi napapagod ang mga players. They can keep on going until the other side breaks down. Hindi bumababa ang level ng laro at kung minsan ay tumataas pa,†ani Uichico.
Ito na ang ika-16th na SEA Games gold ng Pilipinas at inaasahang maiibsan ng panalo ang posibleng masamang kampanya ng bansa kung pangkalahatang resulta ang pag-uusapan.