NAY PYI TAW – Sa pagpaparamdam ng mga bigating kalaban, nabigo ang mga Filipino track and field athletes na makapagdeliber sa ikalawang araw ng athletics competition sa 27th Southeast Asian Games.
Kinapos sina heptathlete Narcisa Atienza at long-distance runner Eric Panique, para makapagbigay lamang ng silver at bronze medal sa kani-kanilang event kagabi sa Wunna Theikdi Stadium dito.
Ang espesyalista ng jumping at throwing na si Atienza ay lumikom ng 5,241 points sa pagtatapos ng seven-event para sa silver medal matapos maungusan ni reigning champion Wassana Winatho ng Thailand na tumapos ng mas mataas na 5,556 points sa women’s heptathlon.
“Malakas talaga ‘yung Thai na nakalaban n’ya. She’s good enough for the Asian level. At sa kanya din natalo si Narcisa nung huling SEA Games sa Indonesia,†sabi ni track and field coach Joseph Sy. “Mahina kasi si Narcisa sa speed kaya hindi nya matalo-talo ‘yung Thai na ‘yun. I guess ‘yun ang kailangan n’yang pagbutihin para finally matalo na n’ya ‘yun sa susunod na SEA Games.â€
Tulad ni Atienza, kinapos din si Panique nang mabigo sa kalabang Singapore na si Ying Ren Mok, na tumapos ng two hours, 28 minutes at 36 seconds at Thaung Aye ng Myanmar, na nagrehistro ng 2:29:50 sa men’s marathon.
Dahil nagka-cramps si Panique sa huling limang kilometro, tumawid siya ng finish line sa oras na 2:30:30 para magkasya sa bronze medal.
“That Singaporean even went to Japan to train for this SEA Games,†ani Sy. “That’s why I was not surprised with the outcome. Eric lost to a better, more prepared runner.â€
Bokya din sina Lorelie Sermona at Ernest John Obiena.
Tumapos si Sermona bilang fourth sa kanyang naitalang 50.26 meters sa women’s hammer throw at fourth din si Obiena na di kinaya ang 5m bar sa men’s pole vault.