Miami binawian ang Detroit

AUBURN HILLS, Mich.  – Naging madali para kay LeBron James at sa Miami ang isang ma-laking rematch.

Ngayon ay maaari nang maghanda ang Heat para sa isa pang mabigat na laban.

Umiskor si James ng 24 points, 9-assists at 7-rebounds nang ilampaso ng Miami ang Detroit 110-95 nitong Linggo para makaganti sa Pistons na tumalo sa kanila sa sariling balwarte, isang linggo pa lang ang nakakaraan.

Ang susunod na kalaban ng Heat ay ang India-na sa Martes.

Ang Pacers ang may NBA best record at ito ang unang pagkakataon na maghaharap ang dalawang team sapul nang manalo ang Miami sa seven-series ng playoffs noong nakaraang season.

“They’re a great team right now, the way they’re playing,’’ sabi ni James. “We’re trying to get healthy, we’re trying to get to our full potential. We’ll see what we can do.’’



Nakabawi ang Heat sa Detroit na nagtala ng 107-97 panalo.

Show comments