MANILA, Philippines - Mahusay ang pagkaÂkaÂgamit ni jockey Dan CaÂmañero ng kanyang laÂtigo para mapalabas ang bangis ng Kitty West at maÂkapagtala ng magandang panalo noong BiyerÂnes sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Sa isang Special Class Divion race ginawa ang laÂbanan sa 1,300-metro at ang Kitty West ay nanalo kahit naiwanan ng malayo ng kinapos na paborito sa kaÂrera na Yes Yes Yes sa pagdadala ni Jeff Zarate.
Nakasama ng Yes Yes Yes ang Water Shed at KrisÂtal’s Beauty na luÂmaÂÂyo ng halos 10 dipa sa pangalawang grupo na kinabibilanganan ng KitÂtyWest.
Ginamitan na ni CaÂmaÂÂñero ang kabayo ng laÂtigo sa back stretch upang magsimulang bumilis ito.
Sa rekta ay nakaalagwa na ang Yes Yes Yes na galing sa dalawang vicious races na dinomina ng kabayo, pero tila hindi namalayan ni Zarate ang malakas na pagdating ng Kitty West na unang naÂitawid ang ulo sa meta.
Galing ang Kitty West sa pangalawang puwesÂtong pagtatapos sa huling kaÂrera at si Camañero ay nasa ikalawang sunod na takbo na diniskartehan ang kabayo.
Lumabas bilang piÂnakadehado ang nanalong kaÂbayo sa mga kuminang sa race track na pag-aari ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) matapos magpasok ng P39.50 sa win, habang ang forecast na 6-11 ay naghatid ng P68-50 dibidendo.
Nagpakilala naman ang kabayong Barcelona na hinablot ang unang paÂÂnalo sa horse racing sa paÂngunguna sa 2YO MaiÂden Race na pinaglabanan sa 1,300-metro distansya.
Naipakita ng kabaÂyong sakay si Jessie Guce ang tulin na taglay.
Sa rekta tuluyang luÂmaÂyo ang Barcelona paÂra iwanan ang pumangalawang Jazzi Too Shaftie na sakay ni jockey R.Tablizo.
Lumabas na piÂnaÂkaÂpaboritong nanalo ang BarÂcelona sa ibinigay na P5.50 sa win, habang ang 5-10 forecast ay may P12.50 dibidendo.