Houston sumandal sa depensa para talunin ang Golden State

HOUSTON -- Ang opensa ng Rockets ang isa sa pi­nakamahusay sa NBA.

Subalit kontra sa Gol­den State, ang kanilang de­pensa ang naging susi sa pa­nalo.

Umiskor si James Har­den ng 34 points, habang huma­kot si Dwight Ho­ward ng 22 points at 18 re­bounds para tu­lungan ang Rockets sa 105-83 paggupo sa Warriors.

Nagdagdag si Terrence Jones ng 16 points at 10 re­bounds para sa Houston na nagmula sa dalawang su­nod na kabiguan.

Nagsalpak si Howard ng 12-for-20 shooting sa free throw line at tumapos ang Rockets na may 25-for-39.

“That’s the way we play,” wika ni Harden. “If we don’t get after them on the defensive end, it’s going to be tough for us. We were getting huge stops and getting out in transition. We did a good job early in the game of putting pressure on their guards, and we got things going our way.”

Pinangunahan naman ni guard Stephen Curry ang  War­riors mula sa kanyang 22 points at 5 assists, ngunit tu­mipa ng mahinang 5-of-14 fieldgoals.

Nag-ambag si Harrison Barnes ng 14 points at 7 rebounds, habang may 12 markers si Kent Bazemore at 11 si David Lee para sa Golden State.

Dahil sa kabiguan ay nag­wakas ang two-game win­­ning streak ng Warriors.

Sa Portland, tinalo ng Trail Blazers ang Utah Jazz, 130-98.

Kumolekta si Wesley Mat­thews ng 24 points at ku­­­mabig si LaMarcus Aldridge ng 20 points at 15 re­bounds pa­ra sa Blazers.

Ito ang ikaapat na sunod na ratsada ng Portland.

Sa Sacramento, nagsalpak si Jodie Meeks ng dalawang 3-pointers sa dulo ng fourth quarter para tumapos na may 19 points at igiya ang Lakers sa 106-100 panalo la­ban sa Sacramento Kings.

Sa New Orleans, tinalo naman ng Oklahoma City Thunder ang Pelicans, 109-95.

 

Show comments