Charity game ng San Beda at La Salle nauwi sa draw

MANILA, Philippines - Nauwi sa tabla ang la­ro ng NCAA champions na San Beda Red Lions at ng UAAP titlist na La Salle Green Archers nang magtapos sa 74-74 ang ‘Champions For A Cause’ cha­rity game kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.

Nagsalpak si Nigerian import Ola Adeogun ng isang putback ngunit na­bi­gong kumpletuhin ang kan­yang three-point play para sa Red Lions.

Bagamat bumalik ang po­sesyon sa Green Archers ay nabigo naman si­na Jeron Teng at Norbert Torres na ipasok ang ka­nilang mga potensyal na game-winning shots.

Ang naturang chari­ty game ay humakot ng P1.8 milyon na ibibigay sa relief fund para sa mga na­salanta ng bagyong ‘Yo­landa’ sa Visayas region.

Kasama rito ang P740,000 mula sa P500 pledge ng bawat maiiskor ng San Be­da at La Salle.

Umiskor si Almond Vo­sotros ng game-high na 21 points para sa Green Archers na nagposte ng 44-34 abante.

Tumapos si Adeogun na may 14 points kasunod ang 11 ni Baser Amer pa­ra sa Red Lions.

San Beda 74 – Adeogun 14, Amer 11, Sara 9, De­la Rosa 8, A. Semerad 7, Pas­cual 6, Abarcar 6, Koga 5, D. Semerad 2, Mendoza 2, De­la Cruz 2, Ludovice 0, Vil­laruz 0, Bonsubre 0.

De La Salle 74 – Voso­tros 21, N. Torres 9, Teng 7, Re­yes 7, Perkins 6, Revilla 6, Montalbo 4, T. Torres 4, Tam­pus 4, Bolick 3, Salem 3, Dela Paz 0.

Quartescores: 20-20; 34-44; 53-59; 74-74.

 

Show comments