^

PM Sports

Houston nakalusot sa San Antonio

Pang-masa

SAN ANTONIO – Sinayang ng Houston Rockets ang 23-point lead, panay ang foul kay si Dwight Howard at nagkaisa ang San Antonio Spurs crowd laban sa  kanila sa mga huling maiinit na minuto ng labanan.

Puno ng tensiyon ang sitwasyon na maaaring sinukuan na ng Houston, ayon kay James Harden ngunit ipinakita ng Rockets nitong Sabado ng gabi na ibang koponan na ang Houston ngayon.

Umiskor si Harden ng 31-points at may 25 si Chandler Parsons nang takasan ng Houston ang second-half rally upang igupo ang San Antonio, 112-106 para sa kanilang unang pagkatalo sa sari-ling balwarte.

“It’s a great win for us,” sabi ni Harden. “Last year we probably would have caved in; they would have beaten us by a lot. So, this year the improvement we’ve adjusted to has been tremendous. A back-to-back in San Antonio is always tough, but we showed resiliency and pulled out a great win.”

Sa Dallas, umiskor si Kevin Martin ng 27 points kabilang ang key baskets sa huling maiinit na bahagi ng labanan at naghatid din si  Kevin Love  ng kanyang double-double nang wakasan ng Timberwolves ang three-game losing streak sa pamamagitan ng 112-106 panalo kontra sa dumadausdos na Dallas Mavericks.

Sa Phoenix, nagpasiklab si rookie Trey Burke sa kanyang murang NBA career sa pagkamada ng 20 points upang pangunahan ang pitong Utah players na may double figures tungo sa unang road victory ng Jazz ngayong season kontra sa Phoenix Suns, 112-104.

CHANDLER PARSONS

DALLAS MAVERICKS

DWIGHT HOWARD

HOUSTON ROCKETS

JAMES HARDEN

KEVIN LOVE

KEVIN MARTIN

PHOENIX SUNS

SA DALLAS

SAN ANTONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with