I Am On Fire bumawi

MANILA, Philippines - Binawi ng kabayong I Am On Fire ang pagkatalo sa huling takbo sa Metro Turf Club nang dominahin ang sinalihang karera noong Martes ng gabi sa nasabing race track sa Malvar, Batangas.

Ang apprentice jockey na si AB Se-rios ang dumiskarte sa nasabing kabayo na nakontento munang isunod sa naunang lumayo na Madam Theresa bago humataw sa huling kurbada tungo sa panalo sa Special Class Division race 4 na pinaglabanan sa 1,400-metro distansya.

Outstanding favorite ang I Am On Fire na pumangalawa sa It’s June Again noong Nobyembre 5 para magkaroon lamang ng balik-taya ang dibidendo sa win habang P15.00 ang ipinamahagi sa 4-2 forecast.

Nakabawi rin ang kabayong Santorini sa pagkatalo sa huling takbo at ito ang lu-mabas na pinakadehadong kabayo sa gabi na dinomina ng mga liyamadong kalahok.

Si Mark Alvarez ang hinete uli ng kabayo na dinomina ang Spectacular Ridge na dala ni Pat Dilema sa Special Handicap Race na inilagay sa 1,000-metro.

Naubos ang Kimagure at naalpasan pa sa ikalawang puwesto ng Spectacular Ridge. Pumalo sa P20.00 ang win habang  P80.50 ang ibinigay sa 1-3 forecast.

Show comments