^

PM Sports

Big Chill diretso sa 6-panalo

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napanatili ng Big Chill at NLEX ang kanilang magandang panimula na sinabayan ng panggugulat ng Wang’s Basketball sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Sina Reil Cervantes  at Mar Villahermosa ay tumapos taglay ang tig-18 puntos at ang huli nga ay ibinuhos ang marka sa second half para tulungan ang Superchargers sa 94-87 panalo sa kinulang sa tao na Café France.

May 23 puntos si Mac Montilla para sa Bakers na hindi nagamit ang mga manlalaro galing sa Centro Escolar University dahil sa PCCL.

Muling gumana ang kamay ni Garvo Lanete sa kanyang 23 puntos pero naipakita na rin ng mga reserves tulad nina NCAA Finals MVP Arthur dela Cruz at John Villarias ang kanilang laro matapos maghatid ng tig-10 puntos tungo sa 82-75 panalo ng NLEX sa Boracay Rum.

Ikatlong dikit na panalo ito ng nagdedepensang Road Warriors at maaga silang nagtrabaho at sa first period pa lamang ay iniwan na ang Waves, 30-14.

Hindi naman hinayaan ng Couriers na magpatuloy ang pamamayagpag ng mga paborito nang sandalan ang dalawang free throws ni Jonathan Banal sa huling 6.4 segundo para kunin ang 76-74 panalo sa Cagayan Valley.

Inagawan  ni Bryan Ilad si Mark Bringas para hindi makahirit ng panablang play ang Ri-sing Suns na natalo sa ikalawang pagkakataon matapos ang pitong laro.

Si Michael Juico ay mayroong 22 puntos para sa Wang’s na umakyat sa 2-3 baraha.

BIG CHILL

BORACAY RUM

BRYAN ILAD

CAGAYAN VALLEY

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

D-LEAGUE ASPIRANTS

GARVO LANETE

JOHN VILLARIAS

JONATHAN BANAL

MAC MONTILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with