MANILA, Philippines - Magtutulung-tulong sina PBA rivals Mark Caguioa, Jimmy Alapag at Asi Taulava para sa isang relief efforts sa Tacloban City sa Biyernes.
Makakasama rin sina LA Tenorio at Danny Seigle sa PBA delegation, pamumunuan nina Commissioner Chito Salud, board chairman Mon Segismundo at Board member Eric Arejola, para ipakita ang patuloy na pagtulong ng liga sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa ilalim ng Alagang PBA program.
Magdadala ang grupo ng mga relief goods at dagdag na cash donation na ibibigay kay regular Leyte PBA games organizer Kenneth Uy.
Nauna nang nagbigay ang PBA ng inisyal na P1-million donation sa relief effort.
“This is our way of showing support to our brothers who were devastated by Yolanda. And the PBA is on it for a long term, not just one time,†wika ni Salud. “Babalik kami nang babalik sa mga nasalantang lugar. We’ll visit Ormoc, Samar, Bohol and even Cebu.â€
Sa Leyte, maliban sa relief goods at cash donation, magdadala rin ang PBA ng anim na portable rims at boards at anim na dosenang bola.
“The background of this was the group of kids photographed playing basketball on a makeshift court amidst the ruins and debris in Western Samar,†ani Salud.
Naging viral ang nasabing larawan sa social media kung saan ikinukunsidera ito ng mga NBA players bilang isa sa pinakamagandang basketball pictures.
“We’re now trying to locate these kids, hoping to bring them over to Leyte,†wika ni PBA media bureau chief Willie Marcial.
Ang mga PBA goods ay dadalhin na sa Tacloban sa tulong ng Air Asia at Air21.
Ang iba pang nagbigay ng suporta ay ang Toby’s Sports, Molten at Excite Inc. of Gelo Serrano.
Tumatanggap ang PBA ng cash donations. Para sa impormasyon ay maaaring tumawag sa 4703255.