MEMPHIS, Tennessee — Umiskor si Tony Parker ng 20 points, habang nagdagdag ng 17 si Tiago Splitter para igiya ang San Antonio Spurs sa 102-86 panalo laban sa Memphis Grizzlies at angkinin ang kanilang pang-siyam na sunod na panalo.
Naglista ang Spurs (11-1) ng 42-of-79 fieldgoal shooting para talunin ang Grizzlies.
Nag-ambag si Manu Ginobili ng 15 points para sa San Antonio na nakakuha ng 45 points sa kanilang bench.
Tinapos ng Spurs ang laro mula sa isang 23-8 ratsada matapos makalapit ang Grizzlies (7-6) sa 78-79 sa gitna ng fourth quarter.
Ang starting center ng Memphis na si Marc Gasol ay nagkaroon ng sprained left knee sa second quarter at hindi na nakabalik sa laro.
Pinamunuan ni Mike Conley ang Grizzlies sa kanyang 28 points kasunod ang 16 ni Zach Randolph.
Sa Boston, tumipa si Paul George ng 27 points at pinangunahan ang pagbangon ng Indiana Pacers muÂla sa isang eight-point halftime deficit patungo sa kaÂnilang 97-82 panalo laban sa Celtics.
Naiwanan sa halftime, 42-50, umiskor ang Indiana ng 25 points sa kabuuan ng third quarter para kunin ang 67-58 abante.
Naglista si Jordan Crawford ng season-high na 24 points para sa Boston, habang may 20 si Jeff Green.
Sa Philadelphia, nagposte si Evan Turner ng 27 points at humugot si Spencer Hawes ng 11 sa kanyang 25 points sa huling dalawang minuto sa regulation at overtime para igiya ang 76ers sa 115-107 panaÂlo laban sa Milwaukee Bucks.
Sa Dallas, gumawa si Monta Ellis ng 26 points upang pamunuan ang Mavericks sa 103-93 paggiba sa Utah Jazz.
Nag-ambag sina Dirk Nowitzki at Samuel Dalembert ng tig-18 points para sa Dallas.