Barnes kailangan ng eye surgery

LOS ANGELES – Kailangan ni Matt Barnes ng Los Angeles Clippers  na operahan para ayusin ang retinal tear sa kanyang kaliwang mata.

Ayon sa pahayag ng team, nakuha ni Barnes ang injury sa laro kontra sa Memphis noong Lunes.

Inaasahang mawawala si Barnes ng 2 linggo.

Si Barnes ay nag-a-average ng 5.9 points, 4.3 rebounds at 1.6 assists sa 8-laro.

Noong nakaraang linggo, pinagmulta ng NBA si Barnes ng $25,000 dahil hindi ito agad lumabas ng court matapos mapatalsik sa laro laban sa Oklahoma City at dahil sa kanyang ‘di magandang post sa kanyang Twitter.

Show comments