Pacquiao-Rios fight sa GMA-7

MANILA, Philippines - Mapapanood ang laban na pinamagatang ‘Manny Pacquiao vs. Brandon Rios, the Clash in Cotai’  via satellite sa GMA Network bukas sa ganap na alas-11:00 ng umaga pagkatapos ng ‘Ang Bagong Hamon: Pacquiao-Rios Primer.’ Mapapakinggan naman ang live blow-by-blow updates ng laban simula alas-9 ng umaga  sa flagship AM station ng GMA na dzBB 594, sa FM station Barangay LS 97.1 at sa lahat ng RGMA stations nationwide.

 

Show comments