^

PM Sports

Debosyon ni Jolas

POINT GUARD - Joey Villar, Nelson Beltran - Pang-masa

LOS ANGELES - Suplado. Ito ang tumatak sa isipan ng marami sa pagkatao ni Jojo Lastimosa.

Ito rin ang nasa isip ko sa mga unang taong kinokoberan ko ang PBA career ni Jolas. Unti-unting napawi ito simula nang makasama ito sa ilang training trips nila noong panahon niya sa Philippine Centennial team na sumungkit ng bronze medal sa 1998 Bangkok Asian Games.

Lalo kong naka-dikit  ang anak ng Cagayan de Oro na ito sa aming biyahe sa Los Angeles, California, kasama ang bumubuo ng Jr. NBA All-Stars Philippine team. Tumatak sa aking isip na misunderstood ang pagka-kimi ni Jolas sa limelight at ang pagiging vocal sa mga bagay-bagay.

Hanggang ngayong umuupo na siya bilang panelist sa TV coverage ng PBA, sinasabi niya ang gusto niyang sabihin, masaktan man kung sino ang masasaktan. Kaya naman may ilan rin siyang kritiko sa social media.

Sa LA, nadama ko ang kanyang pagiging family man at ang kanyang debosyon na maibalik ang tulong sa kanya ng basketball na masyadong naging mabuti sa kanya.

Ang kanyang tulong ay sa pamamagitan ng pagpapatakbo ng Alaska Basketball Camp at ang parte niya sa Jr. NBA Philippines training program.

“The biggest thrill for me is being able to impart my experiences as a player growing up and even the times when I was already playing as a pro,” ani Jolas.

“Punung-puno ng stories iyon na puwede kong i-share sa mga bata sa panahong dapat i-shape up ang kanilang character. Crucial times ito sa mga batang ito,” dagdag pa ni Jolas. “Yung mga bagay kong puwedeng i-share is something that they can build on, hold on at balikan in difficult situations.”

Kitang-kita ko naman ang pagiging hands-on ni Jolas sa mga Jr. NBA Filipino players kahit na iba ang itinerary niya at ang itinerary ng mga bata.

“To make these kids better persons and not just better players, ‘yun ang tinitingnan namin,” ani Lastimosa.

Totoo naman na hindi lang basketball ang itinuturo nila Jolas sa mga bata. Nakatutok din siya sa pagkilos at pagharap sa mga tao ng mga Jr. NBA Phl players.

“Ang dami kong natutuhan kay coach Jolas. To be on our own here, malaking bagay yon, knowing after college, we’ll be on our own,” ani Carlo Sario ng La Salle Zobel.

***

Ilang trivia tungkol kay Jolas: Dalawang UAAP seasons ang inilaro niya sa Ateneo Blue Eagles bago lumipat sa San Jose Recoletos sa Cebu. Ang ilan sa kasabay niya bilang Ateneo Eagles rookies ay sina Gilas coach Chot Reyes at dating PBA technical chief Perry Martinez…..Naimbitahan siyang mag-tryout sa Philippine boys team sa ilalim ni coach Larry Albano early 80s. “Hindi ako um-attend ng tryout kasi sa Letran ang tryout, at di ko alam noon kung saan ang Letran,” ani Jolas…..Bumalik siya sa Maynila mid-80s para lumaro sa Mama’s Love tapos sa Lhuillier. One-two punch sila ni Boy Cabahug sa Mama’s Love at ni Samboy Lim sa Lhuillier. “Magka-kwarto kami ni Samboy sa Lhuillier quarters. Close kami kaya siya ang best man ko sa kasal ko,” ani Jolas.

 

vuukle comment

ALASKA BASKETBALL CAMP

ALL-STARS PHILIPPINE

ATENEO BLUE EAGLES

ATENEO EAGLES

BANGKOK ASIAN GAMES

BOY CABAHUG

JOLAS

LHUILLIER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with