24 Nat’l athletes pag-aaralin ng STI Foundation

MANILA, Philippines - Pormal na ibinigay ng STI Foundation ang scho-larships sa mga karapat-dapat na miyembro ng National team sa simpleng courtesy call noong Huwebes sa STI Academic Center sa Cainta, Rizal.

Ang partnership sa pagitan ng Philippine Sports Commission at STI Foundation na tinawag na “Gift of Knowledge Program” ay naglalayong makapagbigay ng pagkakataon sa mga National athletes na magkaroon ng  college degree sa pamamagitan ng pagbibigay ng full scholarships para sa kanilang mapipiling kurso.

May 24-athletes ang nakatanggap ng scholarship papers mula kay STI Foundation Head Ms. Connie Andrada-Sablay na pinayuhan ang mga atleta na “This is a privilege you can choose to maximize or take for granted. Education is a fall-back for you after your days as an athlete.”

Kabilang si SEA Games Gold Medalist Josie Gabuco sa mga scholarship recipients.

 

Show comments