DLSU, Letran mapapalaban sa PCCL
MANILA, Philippines - Mapapasabak ang UAAP champion La Salle at NCAA titlist San Beda laban sa iba pang mahuhusay na college teams sa bansa sa 11th edition ng Phl Collegiate Champions League na nagbukas sa Cebu noong Lunes at matatapos sa Dec. 19 sa The Arena sa San Juan City.
Matapos pangunahan ang kani-kanilang liga, ang Archers at Lions ay awtomatikong pasok sa Final Four round-robin format kung saan makakasama nila ang mga mangunguna sa kasalukuyang regional events sa Kabisayaan at sa Luzon-Metro Manila na magsisimula sa Lunes sa Ynares Arena sa Pasig City.
Ang La Salle na tumalo sa Santo Tomas para sa titulo ng UAAP ay magtatangkang mabawi ang titulong napanalunan nila, limang taon na ang nakakaraan habang tangka ng San Beda, tumalo sa Letran sa nakaraang NCAA finals ang kanilang unang titulo sa liga.
“Our goal we’ve set starting now up to our first PCCL game on Dec. 9 is to try hard to get in shape because we’ve only resumed practice recently and everybody is understandably out of shape,†sabi ni La Salle coach Juno Sauler sa isang press conference kahapon sa ELJ Building sa Quezon City.
- Latest