MANILA, Philippines - Umaasa si Mark Tamayo na magkakaroon din ng bunga ang ginagawang pagkilos para mapag-isa ang lahat ng motocross organizers sa bansa.
“I have been talking with Macky Carapiet and I believe he has a good heart,†pahayag ni Tamayo na dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.
Si Carapiet ay ang pangulo ng National Motorcycle Sports and Safety Association (NAMSSA) na siyang kinikilala ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC) kaya sila ang may karapatang magpadala ng manlalaro sa kompetisyon sa labas ng bansa.
Pero ang grupo ni Tamayo ay hindi pa kinikilala ng NAMSSA kaya’t ang kanilang mga kampeon sa kanilang mga pakarera ay hindi makalaro sa malalaking torneo sa labas ng bansa.
Hindi naman ito sagabal para magpursigi si Tamayo sa pagbibigay ng oportunidad sa mga motocross riders na maipakita ang kanilang galing.
Sa katatapos na 2013 Phoenix Motocross Series ay lumutang ang pa-ngalan ni Rhowell ‘Bornok’ Mangosong nang talunin niya ang 14-time Rider of the Year na si Glenn Aguilar para sa Pro Open overall title.
Dinomina ni Mangosong, na ang nakababatang kapatid na si Renato Matias Domingo Mangosong ay nadisgrasya sa first leg ng serye, ang unang tatlo sa limang karera para kunin ang overall.
Naririyan din si Je-nelle Saulog, anak ni Jovy Saulog, na tinalo ang 15-anyos na si Pia Gabriel para sa Ladies title habang si Jacob Orbe ang kampeon sa Pro Lites Production title laban sa anak ni Aguilar na si Mclean Aguilar.
“Unti-unti ay duma-dami ang nagkakainteres sa sport na ito at kasama na rito ang mga sponsors. Kaya patuloy naming pagsisikapan na itulak ito at sa 2014 ay magkakaroon kami ng 10 karera para mas ma-bigyan ng pagkakataon ang mga motocross riders na maipakita ang kanilang galing,†dagdag ni Tamayo, ang CEO ng Xtreme Adrenaline Sports Entertainment Company.