CHICAGO – Duma-ting si Derrick Rose na hindi sigurado kung makakalaro siya.
Umuwi siyang buo ang kumpiyansa at nag-iwan ng magandang pag-asa para sa kanyang koponan.
Umiskor si Luol Deng ng 23 points, nagdagdag si Rose ng 20 nang patikimin ng Chicago Bulls ng unang pagkatalo ang hu-ling unbeaten NBA team na Indiana Pacers matapos ang 110-94 panalo nitong Sabado.
Tumapos si Taj Gibson ng 15 points at walong rebounds para sa Chicago (5-3) na nanalo ng kanilang ikaapat na sunod sa likod ng 11-of-19 shooting mula sa 3-point range.
“We got off to a good start,†sabi ni Bulls coach Tom Thibodeau. “(The Pacers) missed some shots that they usually make. Overall, I thought it was a good win. We played very unselfishly.â€
Ang Indiana (9-1) ang unang NBA team na nagsimula ng 9-0 na huling nagawa noong 2002-’03 ng Dallas Mavericks na nagsimula sa 14-0.
Ang 9-0 simula ng Indiana ay tumabla sa kanilang franchise record.
Sa Los Angeles, nagtala si Blake Griffin ng 30 points at 12 rebounds, nagdagdag si J.J. Redick ng 26 points at at naghabol ang Los Angeles Clippers upang igupo ang kulang sa tao na Brooklyn Nets, 110-103, tungo sa 5-0 record sa homecourt.
Sa Oakland, umiskor si Klay Thompson ng 25 points, nagtala si Andre Iguodala ng 16 points at six rebounds at nagtatag ng malaking kalamangan ang Golden State Warriors upang igupo ang Utah Jazz, 102-88.