Women’s Division W L
TMS-Army 2 0
PLDT 1 0
Cagayan 1 1
Cignal 1 1
RC Cola 0 1
Petron 0 2
MEN’S Division W L
Giligan’s 1 0
PLDT-MyDSL 1 0
Systema 1 0
Maybank 1 0
Laro SA MIYERKULES
(Ynares Sports Arena,
Pasig City)
2 p.m. – TMS-Army vs PLDT (Women’s)
4 p.m. – RC Cola vs Cagayan (Women’s)
6 p.m. – Giligan’s vs PLDT-My DSL (Men’s)
MANILA, Philippines - Nakitaan uli ng magandang laro si Tina Salak at ang nagdedepensang kampeon na TMS-Philippine Army ay nanalo sa Caga-yan Valley, 19-25, 25-14, 25-14, 25-17 sa Philippine Super Liga Grand Prix kahapon sa The Arena sa San Juan City.
May 46 excellent sets si Salak bukod pa sa pitong hits, upang mapagningas ang maba-ngis na paglalaro ng Lady Troopers para kunin ang ikalawang sunod na panalo sa anim na koponang liga na inorganisa ng Sports Core at may basbas ng International Volleyball Federation (FIVB).
Si Thai import Luangtonglang Wanitchaya ay may 20 kills tungo sa 23 puntos habang tig-11 ang ibinigay nina Mary Jean Balse at Jovelyn Gonzaga at 10 pa ang kay Jacqueline Alarca.
“Nagpalit sila ng setter at ito ang nagdala sa laro. Kabisado rin namin ang galaw nila,†pahayag ni TMS coach Rico de Guzman.
Ang Japanese libero ng TMS na si Yuki Murakoshi ay bumawi sa di magandang panimula laban sa RC Cola sa kanyang 19 excellent digs.
Sina Thai import Yani-da Kotruang at Aiza Fontillas ay may 13 puntos para sa Lady Rising Suns na nalaglag sa 1-1 karta. Ito ang unang pagkatalo ng koponan matapos ang 17 diretso na kinatampukan ng 16-0 sweep noong pagharian ang V-League.
Nakapasok naman sa win-column ang Cignal HD nang pabagsakin ang Petron Blaze, 17-25, 25-19, 25-16, 25-18, sa ikalawang laro. (AT)